Evacuation ng mga nakatira sa paligid ng Brazos river sa Texas, ipinagutos

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 9746
Texas(REUTERS)
Texas(REUTERS)

Ipinag-utos na ang mandatory evacuation sa mga nakatira malapit sa Brazo river sa Texas dahil sa matinding pagbaha.

Patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa ilog bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan.

Anim na ang namatay sa flash floods sa severe weather system sa Texas.

Ayon sa mga forecasters, magpapatuloy pa rin ang pag-ulan hanggang sa ngayong linggo.

Tuloy-tuloy pa rin ang rescue operations ng mga otoridad sa mga na-stranded sa kanilang mga tahanan.

Nagbukas na rin ng karagdagang shelter sa Houston area ang American red cross para sa mga na-displaced na residente.

Kaugnay nito, nagbabala na si U.S. President Barack Obama sa kanilang mga mamayan dahil naman sa nalalapit na hurricane season.

Tags: , ,