Evacuation ng mga nakatira sa paligid ng Brazor River, ipinag-utos

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 5323

TEXAS-03
Ipinag-utos na ang mandatory evacuation sa mga nakatira malapit sa Brazo River sa Texas matapos ang matinding pagbaha dahil sa paglaki ng tubig sa ilog sanhi ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan.

Anim na ang namatay sa flash floods dahil pa rin sa pananalasa ng severe weather system sa estado.

Tuloy-tuloy pa rin ang rescue operations ng mga otoridad sa mga na-stranded sa kanilang mga tahanan at nagbukas na din ng mga dagdag na shelter sa houston area ang american red cross para sa mga na-displace na residente.

Kaugnay nito ay nagbabala na si U.S. President Barack Obama sa kanilang mga citizen na maghanda para sa nalalapit na hurricane season.

Pinayuhan nito ang lahat na maghanda ng mga emergency supply kit at evacuation directions mula sa mga lokal na awtoridad.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,