Ethics complaint laban kay Senator de Lima, Trillanes at Lacson, pinawalang bisa

by Radyo La Verdad | February 20, 2018 (Tuesday) | 1322

Pinawalang bisa na ng Senate Ethics Committee ang tatlong ethics complaint laban kay Senator Leila de Lima.

Ayon sa Senate panel, walang hurisdiksyon ang komite sa naturang mga reklamo. Naging basehan sa isinumiteng complaint ni Attorney Abelardo de Jesus ang umano’y pagkakasangkot ni de Lima sa illegal drug trade.

Habang ang inihaing reklamo naman ng mga pinuno ng Kamara ay dahil sa pagpigil umano ni de Lima kay Ronie Dayan na humarap sa pagdinig ng Kamara.

Pinawalang bisa rin ng ethics committee ang reklamo laban kina Senator Panfilo Lacson at Senator Antonio Trillanes na inihain naman ni dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

 

 

Tags: , ,