Tatalakayin ng Senate Committee on Ethics and Privileges bukas ang reklamong natanggap nito laban kay Sen. Leila De Lima kaugnay ng umano’y pagkakadawit nito sa iligal na droga.
Sa pulong na ito pag-uusapan kung may sufficient in form and substance ang inihaing ethics complaint laban sa senadora noong Agosto ni Atty. Abelardo De Jesus.
Tatalakayin kung may hurisdiksyon ng naturang komite para magdesisyon sa reklamo.
Sa reklamo na isinumite nito sa senado, binanggit ng complainant na ang naging basehan niya ay mga naging pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte sa media laban sa senadora.
Bagay na noon pa ay mariin nang itinatanggi ni Sen. De Lima.
Tags: Ethics complaint laban kay Sen. Leila De Lima, tatalakayin ng Senado bukas
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com