ERC Chairman Jose Vicente Salazar, pinatawan ng preventive suspension

by Radyo La Verdad | May 4, 2017 (Thursday) | 2092


Inilagay sa preventive suspension ng Office of the President si Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar habang iniimbestigahan pa ang mga inihaing reklamo laban sa kanya.

Nahaharap si Salazar sa administrative charges na kinabibilangan ng serious dishonesty, grave misconduct at paglabag sa republic act 9184 o ang anti-graft and corrupt practices act.

Ang suspension order ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Tags: , ,