EO para sa paglilimita lang sa DOH ng pamimigay ng gamot sa TB, inihahanda

by Radyo La Verdad | August 18, 2017 (Friday) | 6411

Sa Department of Health na lamang makukuha ang libreng gamot para sa TB at hindi na mabibili pa sa merkado. Ito ay kung aaprubahan ni Pangulong Duterte ang isang Executive Order na isusumite ni Health Sec. Paulyn Ubial sa Setyembre.

Layon nitong masolusyunan na ang problema sa hindi tuloy-tuloy na paggagamot ng mga TB patient at maling pag-administer ng mga gamot kotra sa TB.

Batay sa 2016 National Tuberculosis Prevalence Survey, taon- taon 581 ang nadadagdag na kaso ng TB positive patients at 22,000 ang namamatay taon sa Pilipinas.

Kaya naman target ng DOH at WHO na pababain ang kaso ng mga nagkaka- TB  ng 80% at pababain ang death rate ng 90% sa loob ng 13 taon. Katuwang din ng DOH ang Committee on Health sa Kamara upang mabigyan ng financial assistance ang TB patients.

Magdedeploy naman ang DOH ng mobile check-up van na may xray scanners kung saan libreng makakapagpa-xray ang publiko para sa detection ng TB.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,