Environmental Samples sa Tondo, Manila at Davao City, positibo na rin sa Polio Virus

by Erika Endraca | September 24, 2019 (Tuesday) | 14310

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH)  na positibo na rin sa Polio Virus ang environmental samples sa Maynila at Davao City. Ito ay bukod pa sa 2-kaso ng Polio Infection na tumama sa 2-bata sa Lanao Del Sur at Laguna.

Ayon sa tagapagsalita ng DOH na si Health Undersecretary Eric Domingo, Vaccine-Derived Polio Type 2  (VDP2) Virus o hindi bagong strain ang tumama sa bansa. Pero may kaunting mutation na ito.

“However, iyong vaccine na derived na Polio pagka continuous siya nagccirculate nakakain naidudumi, nakakain, naidudumi every year may small percentage ng mutation doon sa vaccine-derived polio virus na less than 1 percent per year.” ani DOH Spokesperson, Undersecretary Eric Domingo.

Ayon sa DOH bagaman 2-kaso na tumama sa tao at 2-environmental samples pa lamang ang kumpirmado sa bansa ay dapat nang ika-alarma ito ng mga magulang.

Samantala, maaaring ma-i-transmit o maisalin ang Polio Virus sa pamamagitan ng dumi ng tao, kaya’t payo ng ahensya kalinisan sa kapaligiran at ibayong pag iingat ang susi para maiwasan ang naturang sakit.

Payo pa ng DOH sa mga magulang i-check ang immunization status ng mga anak dahil mga batang 5- taong gulang pababa ang pinaka high risk o may pinakamataas na tsansang magkasakit ng Polio. Palagi ring maghugas ng kamay at panatilihing malinis ang kapaligiran.

(Mai Bermudez | UNTV News)

Tags: , ,