E-payment sa pagkuha ng passport, ipapatupad ng DFA sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 3427

Maaari nang magbayad online o sa mga bangko sa pamamagitan ng e-payment ang mga kukuha o magrerenew ng passport.

Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, tinatapos lamang nila ang magiging sistema sa passport online appointment at posibleng sa susunod na taon ay ilunsad na ito.

Upang maiwasan naman ang paglobo ng mga nagpapa-appoint online, pinagaaralan narin kung ipo-forfiet ng dfa ang bayad sa passport. Base sa datos ng DFA, 40% ng mga nagpapa-appoint ay hindi sumisipot.

Nilinaw naman ng DFA na maaaring agad na kumuha ng pasaport kahit walang appointment ang mga senior citizen, single parents, PWD’s, mga batang below 7 year old kasama ang mga kapatid at magulang at ang mga OFW kahit na 1st time pa lamang lalabas ng bansa.

Magdedeploy din ng mga mobile passport processing units ang DFA para mas mailapit ang pagproseso sa publiko.

 

Tags: , ,