Tinalo ng Miami Heat (30-36) ang Cleveland Cavaliers (43-26) sa score na 106 – 92 para makuha ang ika-8 pwesto at muling makabalik sa Eastern Conference playoff race.
Pinangunahan ni Dwayne Wade ang Heat sa kanyang 32 points kung saan 21 points dito ay kanyang itinala sa 1st half ng laro. Nagdagdag naman ng 20 points at 9 assists si Goran Dragic.
Ayon kay Heat coach Eric Spoelstra, malaking bagay para sa kanyang koponan ang kanilang pagkapanalo dahil lumaki ang tsansa nila na makapasok sa nalalapit na playoffs sa darating na Abril.
Bukod kay Dragic, nakatulong din ni Wade si Heat center Hassan Whiteside na nagtala ng 16 points at 11 rebounds habang si Mario Chalmers naman ay umiskor ng 16 points para pangunahan ang Miami reserves.
Samantala, nagposte naman si Lebron James ng 26 points para pangunahan ang Cavaliers habang minalas naman sa kanyang shooting si Kyrie Irving dahil sa kanyang 33% field goal percentage (5 out of 15) para sa kabuuang 21 points.
Tags: Cleveland Cavaliers, Dwayne Wade, Eric Spoelstra, Goran Dragic, Hassan Whiteside, Lebron James, Mario Chalmers, Miami Heat, NBA
Ipinarating na ni LeBron James sa USA basketball na hindi siya maglalaro sa Rio Olympic games sa Agosto.
Si LeBron ang kauna-unahang NBA player na nagpahayag na hindi sasama sa U-S Olympic basketball team.
Kagagaling lamang ni LeBron, 31 years old sa isang dramatikong pagbabalik mula sa 1-3 na paghahabol sa NBA Finals kontra sa Golden State Warriors.
Ipinarating ng agent ni LeBron ang desisyon sa team USA managing director.
Bukod kay James, may ilan na ring atleta ang umatras sa paglahok sa August five to twenty one olympics dahil sa Zika virus.
Ang mga players na nagcommit na maglalaro para sa team USA ay sina Kevin Durant, Carmelo Anthony, DeAndre Jordan, Jimmy Butler, Klay Thompson at Toronto raptors teammates Kule Lowry at DeMar De Rozan.
Si Mike Krzezewski ang coach ng team USA.
Tags: 2016 Rio Olympics, Lebron James
Lalong naghiyawan ang mga fans ng Cavaliers nang lumabas na ang kanilang hari, ang finals MVP na si LeBron James.
Hawak ang NBA championship trophy, na kaniyang ipinangako sa matagal nang nagdurusang fans, lumabas si james ng eroplano suot ang ultimate warrior t-shirt.
Sinabayan pa ng MVP cheer ng fans.
Kahapon nga ay tinuldukan na ng Cleveland ang limamput dalawang taong pagkauhaw sa NBA championship nang talunin sa dikitang laban, 93-89 ang Golden State Warriors.
Tinaguriang the greatest finals comeback sa kasaysayan ng NBA, ang Cleveland Cavaliers ang kauna-unahang team na nakabangon mula sa 3-1 series deficit.
Inangat ni James ang Cavs sa pamamagitan triple double performance 27 points, 11 rebounds, 11 assists.
Nag-ambag din si Kyrie Irving ng 26 points, 6 rebounds at 1 assists kabilang na ang importanteng 3 point shot na nagpaguho sa pagasa ng warriors.
(Jun Soriao / UNTV Correspondent)
Tinapos ng Cleaveland Cavaliers ang mahigit limang dekadang tagtuyot sa kampyonato matapos masungkit ang 2016 NBA Champion.
Tinalo ng Cavaliers ang defending champion Golden State Warriors sa makapigil hiningang Game 7 sa Oracle arena sa score na 93- 89.
Nakapagtala ng triple double si LeBron James na kumamada ng 27 points, 11 rebounds at 11 assist, kaya tinanghal na finals MVP.
Ito na ang ika-pitong beses na nakapagtala ng tripple double si James sa finals sa kasaysayan ng kaniyang basketball career.
Ito rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng NBA na nakabawi ang isang koponan sa 3-1 deficit sa finals.
Samantala nag ambag naman si Kyrie Irving ng 26 points, 3 rebounds at 4 assist kabilang ang napakahalagang three point shot sa huling 53 seconds ng ball game upang umabante ang Cavaliers ng tatlong puntos.
Tags: 2016 NBA Champion title, 93-89, Cleveland Cavaliers, Golden State Warriors