Duterte administration, iaapela sa CA ang desisyon ng korte sa kaso ni Senador Trillanes

by Radyo La Verdad | October 23, 2018 (Tuesday) | 13361

Hindi na maghahain ng motion for consideration ang Duterte administration sa desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 na huwag maglabas ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes.

Bagkus, inihahanda na ng Office of the Solicitor General ang isusumite nitong petition sa Court of Appeals (CA).

Matatandaang denied ni Makati Judge Andres Soriano ang motion ng Department of Justice (DOJ) na ipaaresto si Trillanes kaugnay ng kasong kudeta na kinaharap nito dahil sa nangyaring 2003 Oakwood mutiny.

Una nang dinismiss ng korte ang kaso matapos mabigyan ng amnestiya ang senador sa panahon ng administrasyong Aquino.

Ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nakatuon ang petisyong isusumite ng SolGen sa CA na denied motion for arrest at pagsalig umano ng naturang korte sa secondary evidence sa usapin kung nakapagsumite ba ng nararapat na application sa kaniyang amnesty si Trillanes o hindi.

Tags: , ,