METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga bilihin hanggang December 31.
Ayon sa kagawaran, bagama’t may mga report tungkol sa retailers na nagtaas umano ng presyo ng mga bilihin at lagpas sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP), agad itong inaaksyunan ng ahensya.
Paliwanag ni DTI Asst. Secretary. Amanda Nograles, may ilang basic necessities at prime commodities ang talagang nagmahal ngunit pasok pa rin naman ito sa SRP bulletin ng ahensya.
Siniguro naman ng mga manufacturer at retailer na susunod sila sa price guide.