DTI pinag-iingat ang publiko sa pagdagsa ng mga substandard na pailaw at dekorasyon ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 1475

SHERWIN_DTI2

Inaasahan ng Department of Trade and Industry na pagpasok ng buwan ng Disyembre ay kasabay naman ng pagdagsa sa mga pamilihan ng mga pailaw at dekorasyon.

Kaya ngayon pa lang ay nagbabala na ang DTI sa publiko na umiwas sa mga sub-standard o mababang kalidad ng mga pailaw na kadalasang nagiging sanhi ng mga sunog sa ibat ibang lugar.

Ayon sa DTI tiyaking mayroong ICC stickers o Import Commodity Clearance ang bibilhing mga pailaw upang makatiyak na ligtas itong gamitin.

Yun nga lang aminado din ang dti na marami ring nagkalat na mga pekeng icc stickers na inilalagay sa ibat ibang imported na produkto.

Mahalaga na masuring mabuti ng mga mamimili ang kanilang mga binibiling dekorasyon para sa holiday season dahil madali umanong maginit ang mga maninipis na wires ng mga substandard na produkto.

Aminado naman ang ilang mga nagtitinda sa Calamba Laguna na walang ICC stickers ang kanilang mga ibinebentang mga pailaw na mabibili lamang sa murang halaga.

Dahil dito hinikayat ng DTI ang publiko na huwag tangkilikin ang mga substandard na produkto upang makaiwas sa peligro.(Sherwin Culubong/UNTV Correspondent)

Tags: , ,