Isa –isang ininspeksyon ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue Bulacan ngayon martes.
Nais ng DTI na matiyak na de kalidad at sumunod sa kanilang ipinatutupad na standard ang mga ibinibentang paputok.
Ayon kay DTI Under Secretary for Customer Welfare Victorio Mario Dimagiba, kinakailangan na ang lahat ng ibinibentang paputok o pailaw ay may P-S Mark at ICC Sticker naman para sa mga imported.
Payo ng DTI, huwag tangkilikin ang mga produkto na walang P-S Mark at ICC Sticker, dahil delikado itong gamitin
Binabalaan rin ng DTI ang mga nagbebenta ng paputok na kukumpiskahin ang mga makikitang iligal na paputok at kakasuhan ang mahuhuling lalabag dito.
Samantala nag inspeksyon din ang PNP ng mga tindahan at bodega ng paputok sa Bocaue Bulacan.
Tinyak ng PNP na malayo ito sa mga gasoline station ng 50 meters.
Kinakailangan maluwag at hindi nagsisiksikan ang mga paputok sa tindahan at mga bodega.
Samantala aabot na sa mahigit 50 libong ipinagbabawal na paputok ang nakumpiska ng pnp mula Dec 1 hanggang alas syente kagabi.
Kasama rito ang dalawang kahon ng piccolo na naglalaman ng anim napung piraso
Nakatakas naman ang bibili at magbebenta nito sa Turo Bocuae Bulacan.
Kabilang sa mga nakumpiska pang ibat-ibang ipinagbabawal na paputok ay ang goodbye bading, good phillipine, goodbye colombia, plapla at coke in can.
(Nestor Torres/UNTV News)
Tags: Department of Trade and Industry, DTI Under Secretary for Customer Welfare Victorio Mario Dimagiba, ICC Sticker, paputok