DSWD, nagbabala sa publiko laban sa mga pekeng alok na ayuda online

by Radyo La Verdad | December 20, 2021 (Monday) | 8374

METRO MANILA – Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mag-ingat sa lumalabas na pekeng Facebook page ng DSWD na nag-aalok ng financial aid sa mga netizen.

Nakatanggap ang nasabing ahensya ng report galing sa isang concerned citizen na may Facebook page na nagpo-post na kinakailangang magregister sa isang link upang makakuha ng ₱10,000 na tulong pinansyal.

Binigyang linaw ng DSWD na wala silang programa o financial assistance na inilalabas online o sa iba’t ibang social media platforms. Pinaalalahanan ng ahensya na huwag magpaloko at pumunta lamang sa official Facebook page ng DSWD na may 1.1 milyong followers na kung saan doon inaanunsiyo ang mga update ng ahensya.

Samantala iniimbestigahan na ng ahensya ang nasabing problema upang mapanagot ang nasa likod nito.

(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,