DSWD gagamit na ng E-wallet para sa 4Ps cash aid

by Radyo La Verdad | May 21, 2024 (Tuesday) | 3206

METRO MANILA – Inuunti-unti na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ilipat sa e-wallet ang mga transaksyon ng ipinamamahaging ayuda ayon kay Secretary Rex Gatchalian.

Kasama ito sa digitalisasyon na nais ipatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa iba’t ibang transaksyon ng pamahalaan.

Layon nitong mabawasan ang mano-manong pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan.

Paliwanag ni Secretary Gatchalian, mas magiging madali para sa mga benepisyaryo ang pagkuha ng ayuda sa ganitong paraan.

Ngunit ayon kay Secretary Gatchalian, tuloy-tuloy ang hakbang ng gobyerno para maturuan ang mga kababayan nating hindi pa marunong sa online.

Dagdag ni Gatchalian na isa sa tinitignan nilang sunod na hakbang ay posibleng pagbibigay ng mga gadget sa mga benepisyaryo ng 4Ps upang sila ay mayroong magamit.

Tags: ,