Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ngayong linggo ay maglalabas siya ng matrix ng mga sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Batay sa naturang dokumento, mayroong mga sangkot na malalaking opisyal ng pamahalaan kabilang na rito ang isang dating kalihim, undersecretary at isang gobernador.
Sinabi rin ng pangulo na ang dating kalihim ng Department of Justice ang pinakamataas na opisyal na kabilang sa ihahayag sa mga sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa Muntinlupa.
Una nang binanggit ni pangulong duterte ang kaugnayan ni Senator De Lima sa operasyon ng iligal na droga sa nbp dahil umano sa dati nitong driver at body guard na nangongolekta ng drug money sa mga nakapiit na drug lord doon.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)