Driver ng truck na nagtamo ng mga galos matapos mabangga sa isa pang truck sa Valenzuela City, nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 1311

13537569_787765021324310_5095276495505290076_n
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng dalawang truck sa Mc Arthur Highway sa Valenzuela City pasado alas diyes kagabi.

Sugatan ang driver ng isa sa mga truck na si Edwin Villanueva.

Bukod sa mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan, iniinda rin nito ang namagang tuhod.

Agad naman itong nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Ayon kay Villanueva, biglang huminto ang sinusundan nitong truck kaya naman hindi agad siya nakapagpreno at bumangga sa likuran nito.

Ayon naman sa driver ng isa pang truck na si Edwin Parapia, bigla aniya siyang pinahinto ng traffic enforcer sa lugar.

Sa bigat umano ng truck ay hindi agad ito nakahinto.

Subalit ayon sa traffic enforcer na si Reynaldo Centeno, masyado aniyang malapit si Villanueva sa sinusundang truck kaya kahit nagpreno ito ay bumangga pa rin.

Samantala, tumanggi namang magpadala sa ospital ang biktima.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,