Driver ng tricycle na bumangga sa puno sa Bacoor, Cavite, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | February 28, 2017 (Tuesday) | 1899


Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente sa loob ng isang subdivision sa Barangay Molino Kwatro, Bacoor City,Cavite kahapon.

Nagtamo ng mga gasgas sa kaliwang binti, at magkabilang paa ang driver ng isang tricycle matapos itong bumangga sa puno.

Agad naman nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang biktima na kinilalang si Crisanto Paz, kuwarenta y kwatro anyos.

Kwento ni Mang Crisanto, inaayos niya ang tarpaulin na nasa bubong ng tricycle habang nagmamaneho nang bigla itong tumakip sa mukha.

Dahilan upang hindi niya makita ang daan at tuluyang bumangga sa puno.

Samantala matapos bigyan ng first aid ay tumanggi na itong magpadala sa ospital.

(Randy Forastero / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,