Driver ng tricycle na bumangga sa jeep sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 16, 2017 (Monday) | 1232

NESTOR_TMBB
Naabutan ng UNTV News and Rescue Team sa Mc Arthur Highway ang isang lalaki na nakaupo sa tricycle at bakas pa ang dugo sa itinali niyang damit sa kaniyang noo matapos bumangga ang kaniyang sinasakyang tricycle sa isang pampasaherong jeep.

Kinilala ang biktima na si Teddy Garubido, 17 anyos, na nagtamo ng hiwa sa noo at gasgas sa kanang balikat.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News And Rescue Team ang tinamong mga sugat ng biktima.

Ayon sa driver ng pampasaherong jeep, biglang sumalpok ang tricycle sa likurang bahagi ng kaniyang minamanehong jeep nang magbababa sana siya ng kaniyang pasahero.

Ayon naman sa mga awtoridad, napakalaking tulong ang nagagawa ng UNTV News and Rescue Team dahil may katulong sila sa pagresponde pagdating sa aksidente sa kalsada.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,