Driver ng kotseng bumangga sa center island sa Davao City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | April 20, 2018 (Friday) | 1664

Sugat sa ilong, bibig at pananakit ng katawan ang idinadaing ni Mariel Soriano matapos bumangga sa isang center island sa Sasa, Davao City ang kaniyang minamanehong kotse kaninang madaling araw.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, mabilis ang pagpapatakbo ni Soriano sa sasakyan at bigla itong nagpagewang-gewang sa kalsada hanggang sa bumangga sa center island at sa isang pang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nag-aaway sa loob ng sasakyan si Soriano at ang kaniyang asawa kaya nawala ang pokus nito sa pagmamaneho.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue ang biktima at dinala sa Southern Philippines Medical Center.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa publiko na sumunod sa itinatakdang speed limit sa kalsada upang makaiwas sa disgrasya.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,