DPWH, nanindigan na doable ang 5 minutong biyahe mula Cubao hanggang Makati

by Radyo La Verdad | August 7, 2019 (Wednesday) | 1004

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing makakaroon na ng improvement sa daloy ng trapiko sa EDSA sa buwan ng Disyembre.

Ayon sa Punong Ehekutiko, mula Cubao patungong Makati City, magiging limang minute na lamang ang travel time.

Ngayong apat na buwan na lamang ang nalalabi bago mag-Disyembre, tiwala pa rin ang Department of Public Works and Highways o DPWH na kaya pa ring magawa ang hamon ng Punong Ehekutibo.

Gayunman, tumanggi na ang ahensyang idetalye kung papaano ito gagawin. Ngunit bahagi aniya ng isang master plan para ma-achieve ito ang ilang infrastructure projects sa Metro Manila na nakatakdang matapos ngayong taon at inaasahang magde-decongest sa EDSA.

 “There is no singular strategy for this program pero ayaw kong ma-premept ang formal announcement this project, I hope we can wait for the formal announcement on how this will be done,” ayon kay Anna Mae Tolentino Chairperson, Build-Build-Build Interagency Committee of DPWH.

Una nang binanggit ni Public Works and Highways Secreary Mark Villar na oras na mabuksan ang mga major infrastructure projects sa katapusan ng taon, nasa 250 hanggang 300 thousand vehicles ang mababawas sa EDSA araw-araw. Kabilang na ditto ang Metro Manila Skyway Project, North Luzon Expressway Harbor Link Connector, C-5 South Link, iba pang tulay sa palibot ng EDSA at iba pa. Bukod pa ito sa mga railway projects ng Department of Transportation.

 “The road should be seen with the railway development in the Metro Manila area,” ani Anna Mae Lamentill, Chairperson, Build-Build-Build Interagency Committee of DPWH.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,