DOTr Asec. Mark Tolentino, tinanggal sa pwesto ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 22, 2018 (Tuesday) | 3899

Tinanggal na sa pwesto si Transportation Asst. Sec. For Railways Mark Tolentino dahil sa umano’y pakikipag-usap nito sa kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isang proyekto.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nilabag ni tolentino ang polisiya ng pangulo na walang opisyal ng pamahalaan ang pwedeng makipag-ugnayan sa kahit sinong miyembro ng kanyang pamilya.

Suportado naman ng Department of Transportation (DOTr) ang hakbang na ito ni Pangulong Duterte kasabay ng tiniyak na on-track at on-schedule pa rin ang Mindanao Railway project.

Samantala, nagbabala rin ang Malacañang sa publiko at sa lahat ng mga huwes at mahistrado mula sa mababang hukuman hanggang Korte Suprema laban sa isang judiciary fixer.

Bunsod umano ito ng nagpapanggap na kamag-anak ng first family.

Hinikayat din ni Sec. Roque ang mga ito na agad na ipagbigay alam agad sa kanila ang anumang aktibidad ng hindi pinangalanang indibidwal

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,