DOT, planong ipatupad ang pag-aalis ng coding scheme sa mga public utility vehicle

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1486

JOAN_DELGRA
Pinag-aaralan ngayon ng bagong liderato ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTRFB ang pagaalis ng mga public utility vehicle sa umiiral na number coding scheme.

Ito ang nakikitang solusyon ng ahensya upang matugunan ang magiging kakulangan sa mga pampublikong sasakyan, sa oras na paigtingin ng LTFRB ang panghuhuli sa mga colorum operator sa ilalim ng bagong administrasyon.

Ayon kay Chairman Delgra sa ngayon ay nakikipagpulong na sila sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority o MMDA kaugnay ng panukalang ito.

Bukod pa rito plano rin ngayon ng LTRFB, na makipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines upang magamit ang mga sundalo sa panghuhuli ng mga colorum operators na bumibiyahe sa iba’t-ibang mga kalsada dito sa Metro Manila.

Samantala, bukod sa pag-aalis ng mga colorum target rin ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na mapabilis ang lahat ng transaksyon sa LTFRB sa loob ng susunod na 60-100 days ng kanilang pamumuno sa ahensya.

Ito ay upang maiwasan ang mahabang pila sa pagkuha at renewal ng mga prangkisa, at maialis ang mga fixer sa loob at labas ng LTFRB.

Sa talumpati kanina ni Tugade sa mga kawani ng LTFRB, sinabi nito na ayaw nya ang late sa trabaho, at tiniyak na sasawatahin ang korupsyon sa loob ng ahensya.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,