DOT, nagpaalala sa mga concerned stakeholder na sumunod sa GCQ-HR sa NCR

by Erika Endraca | July 31, 2021 (Saturday) | 3070

METRO MANILA – Nag-isyu ng paalala ang Department of Tourism (DOT) sa mga concerned stakeholder ng tourism industry alinsunod sa IATF Resolution No. 130-A na nasa ilalim ng General Community Quarantine with Heightened Restrictions (GCQ-HR)  ang NCR mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5 , 2021, at 2 Linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6-20, 2021.

Sa ilalim ng GCQ-HR, suspendido  ang mga  point to point flight at papayagan lamang ang mga returning flight para sa mga turistang naninirahan sa  NCR plus.

Ipinagbabawal din ang mga indoor tourist attraction at staycation gayundin ang pagtanggap ng mga

DOT-accredited accommodation establishments (AEs) outside NCR plus  sa mga leisure guest na mula sa NCR Plus .

Mahigpit ding  ipinagbabawal ang mga mass gathering at hindi na papayagan ang kumain sa mga  restaurant establishment simula  August 1, 2021.

Samantala,papayagan lamang  na makapag-byahe ang mga Authorized Persons Outside their Residences (APORs) sa loob at labas ng NCR Plus.

Nanawagan naman ang DOT sa mga stakeholder na payagan ang free rebooking sa mga guest na maapektuhan.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,