DOLE, planong magpatupad ng deployment ban sa Libya

by Radyo La Verdad | April 10, 2019 (Wednesday) | 4873

METRO MANILA, Philippines – Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na muling magpatupad ng deployment ban sa Libya kasunod ng tensyon sa naturang bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, hinihintay na lang nila ang pormal na abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa pagtataas ng alert level doon.

Oras aniya na makumpirma nila na nasa alert level 3 na dito ay maglalabas sila ng board resolution na magbabawal sa pagpapadala ng mga Filipino worker sa Libya.

Tags: , ,

Public hearing hinggil sa dagdag-sahod sa NCR, isasagawa ngayong June 20

by Radyo La Verdad | June 20, 2024 (Thursday) | 83497

METRO MANILA – Isasagawa na ngayong araw ng Huwebes June 20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang public hearing kaugnay ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum na arawang sahod sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), may nagpetisyon na dagdagan pa ng P750 at P597 ang kasalukuyang minimum wage sa NCR na P610.

Magsasagawa pa ng deliberasyon o tatalakayin ng wage board ang mga mapag-uusapan pagkatapos ng isasagawang pagdinig.

Inaasahan na magkakaroon ng positibong resulta ang review bago ang July 16, 2024 o unang anibersaryo nang itaas sa P610 ang minimum daily wage sa Metro Manila.

Muli namang nilinaw ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi siya makikialam kung ano man ang maging desisyon ng wage board.

Tags: , , ,

DOLE, nagpaalala ukol sa double pay ng mga empleyadong on duty ngayong June 17, Eid’l Adha

by Radyo La Verdad | June 17, 2024 (Monday) | 28592

METRO MANILA – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa mga private employers na entitled sa double pay ang mga empleyado na magta-trabaho ngayong araw ng Lunes, June 17, Eid’l Adha.

Nakasaad sa labor advisory number 8 ng ahensya ang computation sa payment of wages at panuntunan para sa regular holiday.

Pirmado ang nasabing abiso ni Labor and Employment Undersecretary Carmela Torres.

Kung hindi papasok sa trabaho, 100% pa rin ng arawang sweldo ang ibibigay ng employer sa empleyado.

At kung on duty pa rin sa regular holiday, 200% ng daily wage ang ibabayad sa empleyado.

Sa bisa ng Proclamation Number 579, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang June 17 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga muslim.

Tags: ,

DOLE, pag-aaralan kung dapat irekomenda ang 4-day work week

by Radyo La Verdad | May 1, 2024 (Wednesday) | 26169

METRO MANILA – Pag-aaralan pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung dapat irekomenda sa mga kumpanya ang pagpapatupad ng 4 day work week sa gitna ng matinding init ng panahon.

Sa isang panayam, sinabi ni Undersecretary Benjo Benavidez na kung makikita nilang kailangan ito para sa kaligtasan o mapagbubuti pa ang productivity ng mga manggagawa ay hindi sila mag aatubili na i-suggest ito sa mga employer.

Gayunman, sinabi ng DOLE na sa huli ay nasa mga may ari pa rin ng kumpanya ang pagpapasya kung magpapatupd ng bagong schedule ng mga empleyado.

Tags:

More News