DOLE, nagpatupad na ng total deployment ban sa Libya

by Radyo La Verdad | April 11, 2019 (Thursday) | 6185
PHOTO: Reuters

MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Labor and Employment ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga Filipino worker sa Libya. Ito ay batay na rin sa payo ng Department of Foreign Affairs bunsod ng lumalalang tensyon sa naturang bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa DFA upang mabantayan mabuti ang sitwasyon sa Libya para sa posibleng repatriation ng mga OFW.

Sa katunayan ay nag-dispatch na sila ng augmentation team upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino at asistehan ang mga ito sakaling kailanganin na silang pauwiin.

Nasa dalawang libo anin na raan (2.600) ang mga OFW sa Libya na karamihan ay medical at skilled workers.

Itinaas ng DFA sa level 3 ang alert level sa Tripoli noong Lunes.

Tags: , ,