DOLE nagbabala sa publiko kaugnay sa mga nag-aalok ng pekeng trabaho sa Canada

by Erika Endraca | February 28, 2020 (Friday) | 29105

MetroManila – Pinag-iingat Ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipino dahil sa mga naglipanang illegal recruiter.

Ayon sa pahayag ng ahensya nakatanggap sila ng report na ginagamit ng mga scammer ang pangalan ng isang lehitimong recruitment website sa Yukon para makakuha ng mga aplikante papunta sa Canada.

Naniningil umano ang mga illegal recruiter ng 440-US Dollars o katumbas ng P28,000 kapalit ng mga pekeng trabaho.

Posible umanong ginagamit ng mga scammer ang naunang kasunduan ng Pilipinas at Yukon na kumuha ng 2,000 Pinoy skilled workers taon-taon.

Nanawagan ang DOLE sa publiko na suriing mabuti ang mga alok na trabaho sa abroad.

Makikita sa website ng Philippine Overseas Employment Administration POEA ang listahan ng mga accredited agency.

Sakali namang makakita ng mga kaduda-dudang job offer maaaring isumbong sa DOLE at mag-email sa info@poea.gov.ph.

Tags: , ,