DOLE, inilatag ang 5 yr-labor plan ng bansa kay PBBM

by Radyo La Verdad | August 9, 2023 (Wednesday) | 9127

METRO MANILA – Inilatag ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagpupulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang labor plan nito mula sa taong 2023 hanggang 2028.

Kabilang sa nakapaloob sa nasabing labor plan ang mga hakbang kung papaano mas mapabubuti ang sektor ng paggawa, gayundin ang mga kondisyon at sweldo ng mga manggagawa.

Maging ang mga oportunidad na malilikha sa infrastracture development program ng bansa.

Ito ay bahagi na rin ng 8-point socio-economic agenda ni Pangulong Marcos Junior.

Tags: ,