DOJ, sisimulan na ang preliminary investigation sa money laundering scheme

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 2985

RODERIC_DOJ
Sisimulan na bukas ng alas-dyes ng umaga ng Department of Justice o DOJ ang preliminary investigation sa money laundering charges laban kay dating Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC Jupiter Branch Manager Maia Deguito.

Kaugnay ito sa eighty-one million U-S dollars na nanakaw mula sa Bangladesh Central Bank.

Sa inilabas na subpoena, inatasan si Deguito na sagutin ang complaint na inihain ng Anti-Money Laundering Council o AMLC noong nakaraang buwan kaugnay ng paglabag nito sa Sec. 4 ng Anti- Money Laundering Act.

Pinahaharap din ng DOJ sina Kim Wong at Weikang Xu sa hiwalay na preliminary investigation ng money laundering case sa Abril a-disi nueve.

Tags: , ,