DOH, tiniyak ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes

by Radyo La Verdad | June 23, 2022 (Thursday) | 12730

METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes, sa gitna ng umiiral pa rin na COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi papayagan ng gobyerno ang in-person classes kung nakikita nitong may malaking banta ito sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Aniya nakabase pa rin sa alert level ng mga lugar sa bansa ang pagbabalik ng pisikal na klase sa mga paaralan.

Sa pagbabalik ng face-to-face classes, hinimok ni Sec. Vergeire ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak kontra COVID-19 para magkaroon ito ng proteksyon laban sa sakit.

“So as long as the Alert Level is 1, now, we can say that we can resume. Pero pag dumating tayo doon sa buwan na talagang magbubukas na ang klase at napunta tayo sa Alert Level 3, definitely hindi pwede so let try to be more scientific in our analysis ito po ang gamitin natin yung alert level system. So as to the paranoia of people especially of mothers unang una hindi po tayo magbubukas kung nakikita natin na may risk po ang ating mga kabataan kapag sila ay bumalik sa kanilang eskwelahan.” ani DOH Usec. Maria Rosario Vergeire.

Tags: , ,