DOH, suportado ang panukalang tuluyang ipagbawal ang paggamit ng E-cigarettes sa buong bansa

by Erika Endraca | October 31, 2019 (Thursday) | 10263

METRO MANILA – Suportado ng Department of Health (DOH) ang tuluyan nang pagbabawal sa paggamit ng E-cigarettes sa buong bansa dahil ito ay mapanganib sa kalusugan ng mga gumagamit nito lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, may panukalang isusulong sa kongreso sa hinaharap kaugnay nito. Nag-umpisa na rin aniya ang DOH na i-monitor ang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa vaping o paggamit ng e-cigarettes.

E-vali naman ang tawag sa vaping related illness kung saan nakakaranas ng hirap sa paghinga ang gumagamit ng E-cigarette.

“If the DOH had its way, we would go for an outright ban. And I think there is a possible legal legislation that will be proposed sa senate and the house and we will support it .talagang safe, no use of the product” ani DOH Usec. Eric Domingo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,