DOH Sec. Paulyn Ubial, kumpiyansang malalagpasan ang gagawing pagbusisi ng Commission on Appointments

by Radyo La Verdad | May 16, 2017 (Tuesday) | 3407


Haharap na bukas sa Commission on Appointments si Department of Health Secretary Paulyn Ubial.

Kumpiyansa si Secretary Ubial na masasagot niya ang lahat ng isyu na maaaring ibato sa kanya ng komisyon.

Naniniwala rin ang kalihim na maaaprubahan ang kanyang appointment sa DOH kahit tatlo ang naghain ng opposition laban sa kanya.

Ayon naman kay Senator Vicente Sotto III, dapat maging handa si Secretary Ubial dahil marami silang itatanong hinggil sa operasyon ng DOH.

Bukod kay Ubial, nakatakda ring humarap sa confirmation hearing bukas si Incoming Foreign Affairs Secretary Senator Alan Peter Cayetano; Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at si DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

(Nel Maribjoc)

Tags: , ,