DOH, nananawagan sa mga magulang na pagbawalang gumamit ng e-cigarettes ang kanilang mga anak

by Radyo La Verdad | November 6, 2018 (Tuesday) | 6892

Nananawagan ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na pagbawalang gumamit ng vapes o e-cigarettes ang mga kabataan lalo na ang mga menor de edad.

Ito ay matapos na sumabog sa mukha ng isang labimpitong taong gulang na batang lalaki ang binili nitong second hand na vape. Itinakbo ang batang lalaki sa East Avenue Medical Center (EAMC) noong ika-30 ng Oktubre.

Batay sa ulat ng mga doktor sa EAMC, nagtamo ang biktima ng injuries sa bibig, dila at ilang bahagi ng mukha.

Nasunog at nagkaroon din ng internal bleeding ang talukap ng kaniyang mga mata.

Magkakaroon ng mas malalim na imbestigasyon ang DOH, FDA at DTI sa naturang kaso. Ito ay upang makapagtatag din ng konkretong regulasyon sa paggamit ng vape.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,