DOH, nagdeklara na ng National Dengue Epidemic

by Erika Endraca | August 7, 2019 (Wednesday) | 2434

MANILA, Philippines – Idineklara na ng Department of Health (DOH) ang National Dengue Epidemic sa bansa pagkatapos ng full council meeting Kahapon (August 6) ng  DOH kasama ang National Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Chair na si Sec. Delfin Lorenza. Iyon ay dahil sa patuloy na pagtaas ng dengue cases simula pa noong Enero

“In the wake of the 146,062 cases recorded since January up to july 20 this year. This is 98% higher than the same period in 2018. And alarmingly, there had been reports of 622 deaths so mataas ito at .4% case fatality rate..” ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Ayon sa DOH, kinailangan nang ideklara ang National Dengue Epidemic dahil nitong July 14 hanggang July 20 lang, higit sampung libo na naitalang bagong kaso ng dengue.

Suportado naman ni NDRRMC Chair Sec. Delfin Lorenzana ang deklarasyon ng National Dengue Epidemic kaya’t magpapadala na aniya ito ng memo sa mga member agencies ng NDRRMC

“Kaya nga meron tayong memorandum circular that was signed by me a while ago so that all agencies that are members of the ndrrmc know what they’re doing” ani NDRRMC Sec. Delfin Lorenzana.

Ayon kay DOST Sec Fortunato Dela Peña sagot na rin aniya ng DOST ang pamamahagi ng dengue diagnostic kits at pagbuo ng mga supplement na makakatulong sa pagsugpo at pagpapalakas ng resistensya ng isang nakitaaan ng sintomas ng dengue

“The kit offers a simplified method of confirming the presence of dengue virus in a patient’s blood thus it can be used to detect dengue infections at the start of the fever. It will be rolled out nationwide starting with regions with high number of dengue patients.” ani DOST Sec. Fortunato Dela Peña.

Ipinaliwanag ng DOH na sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Nat’l Dengue Epidemic, mas paiigtingin ang 4s strategy, emergency protocols at pagsasagawa ng 4’o clock habit upang puksain ang mga dengue carrying mosquito sa bansa.

“it’s really just levelling up which means the local government units now armed with the national declaration of national dengue epidemic. This will facilitate their declaration of their respective lgus state of calamity at dahil oi diyan ay kanila pong maaabot ang kanilang quick response fund na magagamit po nila sa karagdagang supplies and logistcs at mga iba pang pangangailangan..”  ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na kaagad magpunta sa mga ospital at magpatingin kung umabot na sa mahigit 2- 3 araw ang lagnat upang maagapan pa ang pagkalat ng dengue virus infection

Nilinaw ni health Sec. Francisco Duque III na imposible na maibalik ang dengvaxia sa mass immunization program sa bansa . Maglalabas na rin aniya sila ng desisyon sa loob ng 10 hanggang 14 araw kaugnay ng apela ng french pharmaceutical company sanofi pasteur na mai-rehistro ang dengvaxia sa bansa

“The dengvaxia according to the who this is not recommended for an outbreak response. This is not cost effective.This vaccine does not squarely address the most vulnerrable group whch is the 5-9 years of age.” ani DOH Sec Francisco Duque III.


(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,