DOH, may mga nakikita pa ring hamon sa pagsisimula ng Covid-19 vaccine rollout sa bansa

by Erika Endraca | February 11, 2021 (Thursday) | 3888

METRO MANILA – Madaming hamon ang kinakaharap ngayon ng pamahalaan sa nalalapit na malawakang pagbabakuna kontra Covid-19.

Bukod sa kahalagahan na mabantayan na huwag magkaroon ng vaccine wastage.

Kailangan ding mapataas pa ang kumpiyansa ng publiko sa pagbabakuna.

Ayon sa Department Of Health (DOH), mas madami dapat ang mahikayat ang pamahalaan na magpabakuna upang maaabot ang herd immunity at mabigyan ng proteksyon sa nakahahawang sakit ang mayorya ng mga Pilipino.

“So what we are trying to do right now is intensifying the information. We are now highliting our experts in talking to the public so that they can better understand the benefits and the safety of these vaccines that are forthcoming.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Isa pa sa dapat mabantayan ng mga otoridad ay ang kalagayan ng mga mababakunahan

Ayon sa DOH, dapat mainitindihan ng publiko na hindi dahilan ang pagpapabakuna upang kalimutan ang pagsunod sa minimum public health standards.

“Where in fact all of us know na itong mga bakuna, wala pa syang kakayanan para mag block ng transmission,so ibig sabihin even if you are vaccinated, you can still be infected and you can still transmit this virus although meron ng lesser chances of this severe hopsitalizations an all” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Paliwanag pa ng kagawaran masasayang ang mga bakuna kung kakaunti ang tatanggap ng mga ito sa araw mismo ng vaccination

Kaya naman nakiusap ang mga otoridad na maghanda ng quick substitution list.

Ito ang mga backup vaccinees sakaling may mga umatras, umayaw o hindi sumipot sa araw ng kanilang schedule.

Ayon sa DOH, 20% ng kanilang priority list sa nakatakdang schedule ang dapat maihanda ng mga LGU.

Wala pang tiyak na petsa kung kailan darating ang mga covid-19 vaccine sa Pilipinas.

Nguni’t naniniwala ang kagawaran na nalalapit na ito kaya naman maiging maihanda ang lahat ng vaccinees.

Kailangan ding maiwasan ang anomang aberya o pagkaantala sa proseso sa pamamagitan ng paghahanda sa transport sector , cold chain, storage at delivery ng covid-19 vaccines sa aktwal na araw ng vaccine roll out sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,