DOH, kinumpirmang may local transmission na ng Delta COVID-19 variant sa Pilipinas

by Erika Endraca | July 23, 2021 (Friday) | 1835

METRO MANILA – Inanunsyo kagabi (July 22) ng Department Of Health (DOH), na may local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa mga eksperto, ibig sabihin nito ay may pagkakaugnay- ugnay ang mga naitalang local cases sa bansa .

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na iwasan ang mga pagbiyahe kung hindi naman kailangan, gayundin ang mass gatherings.

Mas mabagsik ang Delta variant kumpara sa ibang COVID-19 variant dahil 5-8 ang kayang mahawa ng isang positibo rito. Pinangangambahan naman ng Octa Research Team na muling magkaroon ng COVID-19 surge sa bansa.

Sa ngayon ay umabot na sa 1.15 ang reproduction number ng National Capital Region mula sa 0.91 noong nakaraang Linggo .

Ibig sabihin higit na sa isang tao ang maaaring mahawa ng 1 positbo sa COVID-19.

Ang nakikitang pagtaas ng kaso ng Octa Research Team ay kagaya na umano nang magkaroon ng COVID-19 surge noong unang bahagi ng taon.

“We are seeing in an increase which is similar to the increase we saw last February. Maybe it’s too early to call it a surge pero we should not wait for it to bcome a surge before we act on it. It’s better if we are cautious, we act on this now and make preparations, interventions.” ani Octa Research Group Fellow, Prof. Guido David.

Kapag ito ay mangyaring muli,mapupuno ang mga ospital, mangangailan muli ng mas madaming hospital at facility beds at maging manpower sa mga ospital lalo na sa Ncr Plus areas.

Naniniwala naman si Prof David na Delta variant ang isang sanhi ng pagtaas ng kaso lalo na sa NCR .

“Based on the evidence that there are local cases of the Delta variant in manila and the NCR, there is sufficient cause to suspect na at least part of this is driven by the Delta variant we know that the delta variant is rapidly spreading” ani Octa Research Group Fellow, Prof. Guido David.

Nagbabala naman ang World Health Organization na maaaring maging dominant variant ang Delta sa susunod na 2 buwan 124 na bansa.

Ayon naman sa DOH, pinaghahandaan na ng pamahlaan ang posibleng pagtaas ng kaso sa bansa dahil sa Delta variant.

Bukod sa oxyegn supply, patuloy na nagdadagdag ng mga hospital at facility beds sakaling dumami ang mga pasyente.

Pero sa ngayon, mahalagang mapanatili ang mahigpit na border control ng bansa para hindi tuluyang kumalat at maging dominant variant ang Delta sa Pilipinas .

(Aiko Miguel | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,