DOH, aminadong hindi pa kayang abutin ngayong araw ang 8,000-10,000 COVID-19 tests

by Erika Endraca | April 30, 2020 (Thursday) | 2987

METRO MANILA – Ngayong araw, April 30 nakatakda dapat na lumawak pa sa 8,000 hanggang 10,000 araw-araw ang testing capacity sa Pilipinas.

Nguni’t sa iniulat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aminado ang DOH na hindi pa ito maisasagawa ngayong araw

‘Mukhang hindi po aabot dito sa walong libo for april 30 though sinusubakan ho natin dahil ngayon po dumating na ‘yung cartridges natin for genexpert,’ ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergerie.

Kahapon (April 30, 2020)  umabot lang sa **sa halos 6, 500 tests ang naisagawa ng 19 na lisensyadong testing laboratory sa bansa.

Ayon kay Usec. Vergerie, naka-apekto ang pag- scale down o pagbagal ng operasyon sa RITM kaya naman may mga pending silang mga test na dapat masuri noong nakaraang Linggo.

Nitong linggo lang ulit naging fully operational muli ang RITM matapos na maka- recover ang mahigit 30 sa 45 nilang empleyado na nag- positibo sa COVID-19

Sa pagdating aniya ng Genexpert test kits ts sa bansa bibilis pa ang paglalabas ng resulta sa loob ng 45 minuto.

Asahan din aniya sa mga susunod na araw ay maaabot na ang testing capacity na 8,000- 10,000 tests kada araw.

‘But ngayon po itong ating goal ay pilit na maabot, aabutin this coming days as all the resources had been falling in coming from private side and coming from the government.’ ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergerie.

Ipinahayag din ng DOH sa mga nakalipas na ulat na dapat sa may 30 ay maabot naman ng pamahalaan ang 30,000 tests per day.

Samantala, isang Polymerase Chain Reaction (PCR)  test kits mula sa Singapore at 2 rapid antibody test kits mula sa bansang Germany at Beijing, China ang bagong apruba ng Food and Drug Administration (FDA) na maaaring gamitin ng mga eskperto at ospital sa bansa. 



Sa kasalukuyan 57 na ang FDA- approved COVID-19 test kits sa Pilipinas

33 ang PCR based test kits at 

24 naman ang rapid antibody test kits 
.

Muling ipinaalala ng FDA sa publiko na
 kapag nabili na ang mga rapid antibody test kits.


Kailangan pa rin ng isang doktor o eksperto para mag- reseta, mag- administer sa pasyente at magpaliwanag sa resultang lalabas sa rapid antibody test kits.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,