DOE, pinagpapaliwanag ang mga Oil Company sa halagang ipinatupad para sa Gas at Diesel Price Roll Back

by Erika Endraca | October 3, 2019 (Thursday) | 17923

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang mga oil company sa halagang ipinatupad para sa Gas at Diesel price roll back. Nagpadala na ng show cause order ang doe sa lahat ng oil companies.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Leonido Pulido, di akma ang presyong ibinaba sa computation ng kagawaran.
Bukod dito, nais ding pagpaliwanagin ng DOE ang Liquified Petroleum Gas LPG importers at suppliers sa halaga ng itinaas ng LPG na di naayon sa World Market.

“Mas mababa po yung rollback nila by about 22 cents for gasoline and about .06 cents for diesel and we want them to explain it, hindi naman po naming sinasabi na mali sila but we want to give them the opportunity to explain to us bakit po ganun.” ani DOE ASec. Leonido Pulido .

Tags: , ,