DND Sec. Lorenzana, ipinagtanggol ang mga sundalo sa bintang ng umano’y pang-aabuso sa kababaihan sa Marawi City

by Radyo La Verdad | June 27, 2017 (Tuesday) | 2204

Ipinagtanggol naman ng Department of National Defense ang mga sundalo sa harap ng mga ipinakakalat na maling balita ng ilang makakaliwang grupo hinggil sa pang aabuso ng mga sundalo sa kababaihan sa Marawi City.

Ayon kay Sec. Delfin Lorenzana, nakataya ang buhay ng mga sundalo sa ginagawang pakikipagbakbakan sa mga terorista kayat malabong mang abuso pa ng mga ito.

Dagdag pa ng kalihim, sumailalim sa gender sensitivity training ang mga sundalo at maging sa tamang pagrespeto sa karapatang pantao.

Kaya naman tinawag ng kalihim na isang propaganda na nais lamang maghatid ng takot sa komunidad ang ginagawang pagpapakalat ng balita ng grupo.

Tags: , ,