Distribusyon ng fuel vouchers sa mga PUJ operator, isasagawa sa Marikina City Hall Quadrangle ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 2516

Bibisita ngayong araw sa Marikina City Hall Quadrangle Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay para sa pagpapatuloy ng fuel voucher distribution caravan sa lahat ng mga public utility jeepney operator at drivers.

Magsisimula ang pamamahagi ng fuel voucher card mula alas nuebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kinakailangan lamang na dalhin ng mga operator o driver ang mga kaukulang dokumento na magpapatunay na nakapangalan sa kanila ang prangkisa upang ma-claim ang libreng Pantawid Pasada cards.

Layon ng naturang fuel cards distribution caravan na gawing mas madali at simple ang proseso ng pamamahagi ng Pantawid Pasada Program para sa halos dalawang daang libong rehistradong puj operator sa buong bansa. Naglalaman ito ng inisyal na limang libong piso.

Tags: , ,