Pinagtibay ng Supreme Court ang pagdiskwalipika ng Commission on Elections sa labimpitong partylist groups at tatlong nuisance candidates.
Kasunod ito ng pag dismiss ng korte sa mga apela ng diskwapilikadong mga party-list group at kandidato.
Ayon sa Korte Suprema, walang grave abuse of discretion sa panig ng COMELEC nang i-dismiss nito ang aplikasyon para sa registration at accreditation ng labimpitong regional at sectoral party-list groups na nagnanais makasali sa halalan sa darating mayo.
Wala ring pagmamalabis sa kapangyarihan ang komisyon nang kanselahin nito ang certificates of candidacy nina Camilo Sabio at Vetallano Acosta na parehong tumatakbo bilang pangulo at ni Gion Villamor Gounet bilang senador dahil sa pagiging nuisance candidates ng mga ito.
(UNTV Radio)
Tags: Korte Suprema, party-list groups