Ginagamot na sa Calamba Medical Center ang Regional Director ng Department of Interior and Local Government matapos na barilin ng di pa nakikilalang suspek.
Ayon kay PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, 7:30 ng umaga nang pagbabarilin sa harap ng kanyang opisina sa andinson building 1 Brgy. Parian Calamba Laguna si Director Renato Brion.
Sinabi pa ng heneral na kasalukuyang nasa flag raising ang mga pulis nang maganap ang insidente.
Tags: Calamba, DILG Region 4A, Director, Laguna