DILG, sinigurong walang delay ang distribusyon ng ayuda sa Metro Manila

by Erika Endraca | August 13, 2021 (Friday) | 1674

METRO MANILA – Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi magkakaroon ng delay sa pamamahagi ng ayuda sa mga low-income individual sa National Capital Region sa pagsisimula ng distribusyon nitong Miyerkules (August 11).

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya,magiging katuwang ng DILG ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mapanatili ang maayos na pamamahagi ng ayuda.

Samantala , inatasan naman ni DILG Secretary Eduardo M. Año si PMGen Vicente Danao na mag-deploy ng karagdagang pulis na makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan habang namamahagi ng ayuda.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,