DILG sec. Sueno, aminadong may mali sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang

by Radyo La Verdad | February 21, 2017 (Tuesday) | 1195


Mayroong mga pagkakamali ang Philippine National Police sa pagpapatupad ng war on drugs.

Sinabi ni Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno na mismong si PNP Chief Ronald Dela Rosa ang nagsabing hindi masyadong nasalang maigi ang kasama sa operasyon ng Oplan Tokhang ng kaya nagkaroon sila ng mga problema.

Ayon sa kalihim ang mga nasabing mga sindikatong pulis ay ginawang pagkakakitaan ang operasyon ng kontra droga sa halip na tumulong sa pamahalaan.

Umaasa naman si Secretary Sueno na mapipiling maigi ng Armed Forces of the Philippines ang mga sundalong tutulong sa Philippine Drug Enforcement Agency sa war on drugs.

Sa kabila nito hindi naman humihinto ang DILG sa kanilang pagtulong sa kampanya ng pamahalaan.

Ayon kay Secretary Sueno, may peace and order council ang aktibong nagsasagawa ng kampanya kontra iligal na droga ngayon mula sa regional hanggang sa provincial level.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,