DILG Sec. Mar Roxas, hinamon na siya mismo ang magsilbi ng suspensyon order kay Vice Mayor Binay

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 949

TIANGCO UNA 031315

Hinamon ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President Rep. Toby Tiangco si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na siya mismo ang magpresenta ng suspension order laban kay Makati Mayor Junjun Binay.

Ang DILG ang ahensyang magpapatupad ng ipinataw na preventive suspension, at una nang iginiit ni Roxas na paiiralin nila ang isinasaad sa batas.

Kaya naman iginiit ni Tiangco na dapat ay si Roxas mismo ang pumunta sa Makati City Hall para personal na ipatupad ang suspension order ng Ombudsman

Ngayong araw inaasahang isisilbi sa alkalde ang suspensyon, at ayon sa Ombudsman ay ipaaaresto si Binay sakaling hindi ito aalis sa pwesto.

Tags: , , , , ,