DILG Sec. Ismael Sueno, inaming humaharap sa krisis ngayon ang PNP

by Radyo La Verdad | February 6, 2017 (Monday) | 1029


Inamin ni Department of Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno na nahaharap ngayon sa krisis ang Pambansang Pulisya.

Ito’y matapos na masangkot sa mga kontrobersya ang ilang tauhan nito lalo na ang pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Ayon sa kalihim, apektado ang buong organisasyon bunsod nang nasabing isyu subalit umaasa aniya syang sa pamamagitan ng internal cleansing ng pamunuan ng PNP muling maibabalik ang tiwala sa PNP.

Hinikayat din nito ang mga pulis na ibalik ang bayanihan sa Pambansang Pulisya at pagtulong tulungan ang paglilinis sa kanilang hanay.

(Lea Ylagan / UNTV Correpondent)

Tags: ,