DILG, minomonitor ang iba pang island resorts sa bansa upang hindi matulad sa Boracay

by Radyo La Verdad | October 25, 2018 (Thursday) | 2661

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na imonitor ang lahat ng island resorts at beach tourism destinations sa bansa.

Layon ng hakbang na maiwasang matulad ang mga ito sa Boracay na isinailalim sa six month closure.

Kaugnay nito, pinagsusumite naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga regional offices nito ng listahan ng mga ordinansa sa kanilang lugar na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan, pagtatayo ng mga gusali at easement regulations.

Ayon kay Año, susuriin nila ang estado ng mga sewerage treatment facility, power and water service capacity, zoning ordinance at comprehensive land use plan ng mga lokal na pamahalaan na may beach tourism destinations.

Binuo ng DILG ang beach tourism monitoring team para dito.

 

Tags: , ,