‘Di bababa sa 1.3M benepisyaryo ng 4Ps, ‘di na maituturing na mahirap

by Radyo La Verdad | July 20, 2022 (Wednesday) | 2317

METRO MANILA – Nasa 1.3 million na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang hindi na maituturing na mahirap.

Kinumpirma ng malakanyang na tinanggal na sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 1.3 million na beneficiary ng 4Ps.

Ayon sa pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nabatay naman ito sa inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na at least 1.3 million na benepisyaryo ang hindi na mahirap, na kwalipikasyon naman para maging 4Ps beneficiary. 

Dahil dito, ay magiging available naman ang nasa P15-B para sa iba pang pamilyang Pilipino na kwalipikadong maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan.

Tags: ,