Ipinahayag ni Foreign Affairs Asst. Sec Charles Jose na magsasagawa sila ng imbestigasyon at isusulong ang pagsasampa ng kaso laban Kay Maria Kristina Sergio, ang recruiter ni Mary Jane Veloso.
Matatandaang kahapon ay sumuko sa Nueva Ecija Provincial Police Office si Sergio, at nagsumite ng rekomendasyon ang National Bureau of Investigation ng pagsasampa ng kasong illegal recruitment, human trafficking at estafa charges laban dito at sa dalawang iba pang sangkot sa sinapit ni Mary Jane.
“We will pursue the case against the recruiter using Mary Jane as the complainant or witness..we will refer to the Department of Justice, the lead agency in undrpertaking this investigation,” pahayag ni Jose
Makikipag-ugnayan sila sa Department of Justice kung ano ang mga dapat gawin kaugnay ng ihahaing kaso na susuportahan ng mga pahayag ni Mary Jane.
Ikokonsulta din nila sa kagawaran ang apela ng iba’t ibang sektor ng lipunan na pauwiin si Mary Jane sa bansa kung sakaling siya ang gagawing complainant o witness laban Kay Sergio.
Bukas naman, April 30, ay nakatakdang dumating sa bansa ang pamilya ni Mary Jane mula sa Indonesia. Naniniwala ang Nanay ni Mary Jane , si Aling Celia na isang pagpapala sa Dios na mapigil o ma-reprieve mula sa firing squad execution ang kaniyang anak. (Aiko Miguel/UNTV Radio)
Tags: DFA, foreign affairs, Kristina Sergio, Mary Jane Veloso