DFA consular services, sarado bukas

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 968

dfa

Sarado sa darating na Abril 9, araw ng Huwebes, ang lahat ng DFA consular office gayundin ang mga regional consular services para bigyang daan ang paggunita sa ika-73 Araw ng Kagitingan.

Ang regular passport at authentication services ay magbabalik sa Abril 10, araw ng Biyernes.

Para sa mga kababayan nating may katanungan kaugnay sa pagproseso ng passport, maari kayong mage-mail sa passportconcerns@dfa.gov.ph. Para naman sa authentication queries, maaari kayong mage-mail sa authenticationdfa@gmail.com.